UndeniablyGorgeous

De Avila Series #2 "Segunda"
          	
          	Si Maria Segunda De Avila ay masasabing anghel ng kaniyang mga magulang dahil siya'y likas na masunurin, magalang, tahimik, at malapit sa Diyos. Ang mga katangiang ito marahil ang naglagay sa kaniya sa katayuang hindi napapansin ng karamihan. Siya'y hindi nagtataglay ng pambihirang kagandahan, talentong maipagmamalaki, at talinong kayang makipagsabayan sa karamihan tulad ng kaniyang mga kapatid. 
          	
          	Pinili niya ang buhay na tahimik sa kabila ng panghuhusga ng lipunan sa mga babaeng tulad niya na maaaring tumandang dalaga. Subalit, ang inaakalang niyang tahimik na buhay ay nagkaroon ng hangganan nang bumalik ang lalaking ilang taon niyang hinintay at ang pagdating ng isang pilyong binata na kakambal ang kaguluhan. 
          	
          	Paano haharapin ni Segunda ang dalawang kapalarang naghihintay sa kaniya? Pabalik sa pangakong naudlot ng nakaraan? O patungo sa hinaharap na puno ng pakikipagsapalaran? 
          	
          	Book Cover by Mariya Velasco
          	
          	~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
          	
          	Narito na ang unang 5 kabanata ng nobelang "Segunda" ✨
          	
          	Salamat sa paghihintay. Nawa'y magustuhan niyo ang kuwentong ito. 
          	
          	Ito ang mga kuwentong aking tatapusin:
          	1. Segunda
          	2. Duyog
          	3. Penultima
          	
          	Paumanhin kung una kong tatapusin ang Segunda. Maikli lang ito at naplano ko na rin nang maayos. Salamat sa inyong pag-unawa. 

Le_LunaXXX

@UndeniablyGorgeous inayyyy!!! grabe update mo kay xavier at segunda HAHAAHHA  hindi ako makahinga
Reply

Le_LunaXXX

@UndeniablyGorgeous KAYLAN PO UPDATE NG DUYOG MISS NA MISS NA PO NAMIN SI SAB AT LIBULS
Reply

RoseKenAlegrado

@UndeniablyGorgeous ang galing nyo po.. grbeh ngayon lng ako na gandahan magbasa ng maka luma ... hands up sa soccoro then inaabangan kona din ang segunda
Reply